Higit 3,000 bagong kaso ng COVID-19, naitala ngayong araw

Share this information:

Lagpas sa tatlong libong bagong kaso ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayong Marso 5, 2021.

Sa case update ng DOH, umabot sa 3,045 ang mga bagong kaso, ang pinakamataas na bilang ng bagong naitalang kaso mula sa nakalipas na ilang buwan.

Dahil dito, umakyat na sa kabuuang 587,704 ang kaso ng tinatamaan ng nakamamatay na sakit sa bansa.

Mayroon namang 178 na bagong gumaling kung saan ang kabuuan ngayon ng COVID-19 recoveries ay nasa 535,207 na.

Ang mga namatay ay umakyat na rin sa 12,423 matapos na madagdagan pa ng 19 na mga pumanaw.

Sa ngayon ay sumirit na rin ang aktibong kaso sa 40,074 kung saan 95.3 percent ang mild at asymtomatic na kaso.

Paalala ng DOH na sa kabila ng paghahatid ng dagdag na proteksyon ng mga bakuna sa bansa, lagi pa ring ugaliin na sumunod sa mahigpit na minimum public health standards at health protocol upang maiwasan ang anumang variant at mutation ng sakit. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Kelot tumalsik mula sa bubong sa pagsabog ng transformer ng Meralco

Fri Mar 5 , 2021
TODAS ang isang 24-taong gulang na lalaki matapos mahulog mula sa bubong ng isang warehouse nang tumilapon ito dahil sa pagsabog ng transformer sa poste ng Meralco sa Malabon City, kahapon ng umaga. Nakilala ang biktima na si Jonathan Constantino, isang tubero ng Enriquez Street, Barangay Panghulo, Ubando, Bulacan. Base […]

Follow Us

%d bloggers like this: