CCMC, handa na sa vaccination rollout

Share this information:

Handa na ang Caloocan City Medical Center (CCMC) sa pagsisimula ngayon araw ang vaccination rollout para sa mga health worker nito.

Ayon kay CCMC Administrator Dr. Fernando Santos, sa kabuuang 457 hospital staff, nasa 149 sa kanila ang pumayag na magpabakuna ng Sinovac vaccine.

“Inaasahan natin na tataas pa ang bilang ng mga papayag magpabakuna kapag may mga nabakunahan na sa hanay ng ating mga health worker,” ani Dr. Santos.

Nasa 300 doses ng bakuna ang inaasahang darating ngayong araw sa CCMC para sa pagsisimula ng vaccination rollout ngayong araw.

Nakapagsagawa na rin ng pre-assessment ang vaccination team ng CCMC sa mga staff nito na pumayag magpabakuna.

Ito ay base na rin sa direktiba ni Mayor Oca Malapitan na tiyaking handa ang lahat at magiging maayos ang monitoring para sa mga kawani na babakunahan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Higit 3,000 bagong kaso ng COVID-19, naitala ngayong araw

Fri Mar 5 , 2021
Lagpas sa tatlong libong bagong kaso ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayong Marso 5, 2021. Sa case update ng DOH, umabot sa 3,045 ang mga bagong kaso, ang pinakamataas na bilang ng bagong naitalang kaso mula sa nakalipas na ilang buwan. Dahil dito, umakyat na sa kabuuang 587,704 […]

Follow Us

%d bloggers like this: