Kelot tumalsik mula sa bubong sa pagsabog ng transformer ng Meralco

Share this information:

TODAS ang isang 24-taong gulang na lalaki matapos mahulog mula sa bubong ng isang warehouse nang tumilapon ito dahil sa pagsabog ng transformer sa poste ng Meralco sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Jonathan Constantino, isang tubero ng Enriquez Street, Barangay Panghulo, Ubando, Bulacan.

Base sa impormasyon ng pulisya, dakong 8:45 ng umaga ng Biyernes, March 5, 2021 nang maganap ang insidente sa loob ng Unican Compound na nasa Gov. Pascual Ave., Brarangay Catmon.

Sinasabing umakyat ang biktima at kanyang dalawang ka-trabaho sa bubong ng warehouse kung saan sila nagtatrabaho sa loob ng naturang Compound.

Maya maya pa ay bigla na lamang sumabog ang transformer sa poste ng Meralco na naging dahilan upang tumilapon ang biktima dahil sa malakas na boltahe at mahulog mula sa bubong na nagresulta ng kanyang kamatayan. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.