Anibersaryo ng EDSA People Power, binalot ng kaliwa’t-kanang kilos protesta

Share this information:

“KUNG pababayaan, pwedeng maulit ang kasaysayan!”

Ito ang sigaw ng ibat ibang militanteng grupo na nagkilos protesta sa harapan ng gate 2 sa Camp Aguinaldo sa Quezon City kahapon, araw mismo ng Anibersaryo ng People Power.

Kabilang dito ang Bagong Alyansang Makabayan, Anakbayan, Kilusang Mayo Uno, Migrante at iba pa.

Anila may posibilidad na kung hahayaan, posibleng magkaroon muli ng diktadurya tulad ng nangyari sa panahon ni Ferdinand Marcos.

Maliban sa problema sa red tagging at mga patayan, binatikos din ng grupo ang nararanasang krisis sa covid 19 kung saan hindi maganda ang tugon ng pamahalaan.

Bahagi ng programa ang kantahan na nilahukan ng ibat ibang grupo kung saan nasa 300 hanggang 500 indibidwal ang lumahok.

Kinailangan naman na ang mismong mga tauhan ng Highway Patrol Group ng PNP ang siyang magmantine ng daloy ng trapiko sa lugar para maayos ang daloy nito sa kalsada.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.