Higit 2 libong kaso ng COVID-19, naitala muli ngayong araw

Share this information:

Umabot pa rin sa lagpas dalawang libo ang bagong kaso ng COVID-19 sa araw na ito, bagama’t bahagyang mababa ito kumpara kahapon na umabot ng halos tatlong libo.

Sa datos ng Department of Health (DOH) ngayong Pebrero 28, umabot na sa 576,352 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa makaraang makapagtala pa ng 2,113 na mga bagong kaso.

Pumalo naman sa 9,418 ang bagong mga gumaling sa sakit dahilan para umabot na sa 534,271  ang recovereis.

Nasa 12,318 naman ang lahat ng pumanaw kung saan nadagdagan pa ng 29 ngayong araw.

Patuloy namang ginagamot sa quarantine facility ang nasa  29,763 na aktibong kaso.

Mayroon namang walong duplicates na kinailangang tanggalin sa total case counts sa ginawang paglilinis ng mga datos  kung saan mula sa bilang na ito, dalawa ang recoveries.

Bukod dito, 10 sa mga na-tag na recoveries ang nareclassify na pumanaw matapos ang ginawang validation.

Samantala, isa na lamang sa mga laboratory sa bansa ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa CDRS, isang araw bago ilabas ang daily case bulletin update.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Donated China-made jabs arrive in PH

Sun Feb 28 , 2021
THE much-awaited coronavirus vaccines from China have arrived, marking the start of the country’s inoculation program. The shipment landed at around 4:00 pm Sunday at the Villamor Airbase in Pasay City. Although the arrival of the 600,000 doses of the China-made Sinovac COVID-19 vaccines called CoronaVac ends months of waiting, […]

Follow Us

%d bloggers like this: