Breaking News

Share this information:

SA kulungan ang bagsak ng apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang miyembro ng “Rodriguez Drug Group” matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Sa report ni PCpl. Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong ala-una ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Joel Madregalejo ng buy-bust operation sa First St., Brgy. Marulas.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba si Orlando Mendiola alyas “Pogi,” 44 anyos, na itinuturong miyembro ng Rodriguez Drug Group, at Hazal Ong alyas “Toto,” 18 anyos, matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang undercover police.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 5 gramg ng hinihinalang shabu na nasa P34,000 ang halaga, buy-bust money, P300 cash cellphone at isang motorsiklo.

Dakong alas-2:10 naman ng madaling araw nang maaresto din ng mga operatiba ng SDEU si Jhon Carlo alyas “NogNog,” 20 anyos, matapos makuhanan ng nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P20,400 ang halaga makaraang masita dahil sa paglabag sa curfew hours nang respondehan ng mga operatiba ang natanggap na tawag sa telepono mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap na bentahan umano ng illegal drugs sa Jacinto St., Brgy. Marulas.

Sa Brgy. Mapulang Lupa, naaresto din ng mga operatiba ng SDEU si Bryan Villahermosa, 33 anyos, matapos masita dahil walang suot na face mask makaraang respondehan ng mga operatiba ang natanggap na tawag sa telepono mula sa concerned citizen hinggil sa umano’y nagaganap na bentahan ng ilegal na droga sa Purok 4 dakong alas-10:30 ng gabi.

Sinabi ni SDEU investigator PCpl. Christopher Quiao, nakuha sa suspsek ang 15 pirasong transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 12 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P81,600 at P200 cash.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: