Health workers, uniformed personnel, senior citizen at indigents, kasama sa vaccine master list

Share this information:

Mahigit sa 180,000 health worker, 164,000 uniformed personnel, milyun-milyong senior citizen, at tatlong milyong indigent ang kabilang sa master list ng pamahalaan para sa gagawing paglalatag ng COVID-19 vaccination program sa mga susunod na araw.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire, hanggang nitong Pebrero 16, kabilang na sa Vaccine Information Management System ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang may 186,562 healthcare workers, mahigit 1.4 milyong senior citizens, tatlong milyong indigents at 164,000 uniformed personnel.

Sinabi ni Vergeire na karamihan sa mga naturang healthcare workers ay mula sa mga eligible hospitals na isasama sa inisyal na pagbabakuna gamit ang mga darating na Pfizer COVID-19 vaccines.

Una nang sinabi ng DOH na nasa 34 na pagamutan sa Metro Manila, Cebu, at Davao ang magiging bahagi ng inisyal na rollout ng 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech.

Gayunman, sa ngayon ay wala pang eksaktong petsa ng delivery ngunit inaasahang darating ang mga ito sa bansa bago matapos ang Pebrero.  

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Riding-in-tandem na snatcher, dedo; kasamahan, tiklo

Thu Feb 18 , 2021
Isa sa dalawang lalaking umano’y riding-in-tandem na snatcher ang patay habang arestado naman ang kasama nito. Ito ay nang manlaban habang inaaresto ng mga alagad ng batas matapos na mambiktima ng isang estudyante sa Malate, Manila kamakalawa ng gabi. Kinilala ni PCapt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, […]

Follow Us

%d bloggers like this: