Riding-in-tandem na snatcher, dedo; kasamahan, tiklo

Share this information:

Isa sa dalawang lalaking umano’y riding-in-tandem na snatcher ang patay habang arestado naman ang kasama nito.

Ito ay nang manlaban habang inaaresto ng mga alagad ng batas matapos na mambiktima ng isang estudyante sa Malate, Manila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PCapt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, ang napatay na suspek na si Joshua Mansal, 20 anyos, at residente ng 1269 Bambang St., habang ang naaresto naman ay nakilalang si Delber Sta. Rita, 21 anyos, ng 1748 A. Rivera St., kapwa sa Tondo, Manila.

Batay sa imbestigasyon ni homicide investigator Police Executive MSgt. Charles Duran, may hawak ng kaso, dakong 9:30 ng gabi nang maganap ang engkuwentro sa Leon Guinto St. sa Malate.

Nauna rito, naglalakad ang biktimang si alyas Andrea, 18 anyos, estudyante at residente ng Paco, Manila,  sa Capitan Ticong St. nang bigla na lang itong lapitan ng mga suspek na magkaangkas sa isang asul na scooter na walang plaka at kaagad na hinablot ang cellphone nito at sumibad patungo sa direksiyon ng Dagonoy St..

Nagsisigaw umano ang biktima ng “Snatcher! Snatcher” kaya’t tinangka ng mga bystander sa lugar na habulin ang tumatakas na mga suspek.

Sa pagkataranta ng mga suspek, nawalan ng kontrol ang rider sa scooter nilang sinasakyan kaya’t nakabanggaan ng mga ito ang Grab rider na si Renald Gutierrez, na nagresulta sa kapwa pagsemplang ng kanilang behikulo.

Hindi naman nag-aksaya ng panahon ang mga suspek at kumaripas ng takbo at iniwan na ang kanilang scooter upang tumakas patungo sa southbound lane ng Leon Guinto St..

Nagkataon namang kauuwi lamang at nagpaparada ng kanyang sasakyan si PCpl. Symon Marasigan na miyembro ng MPD- District Traffic Management Unit (DTMU) at nakatira lamang sa malapit sa lugar.

Napuna ng pulis ang komosyon kaya’t kaagad nitong hinarang ang tumatakas na mga suspek at nagpakilalang pulis.

Tila may dinukot umano si Mansal sa dalang sling bag habang tinangka naman ni Sta. Rita na agawin ang service firearm ng pulis.

Maya-maya ay bigla na lang umanong pumutok ang pinag-aagawang service firearm at minalas na tamaan sa ulo si Mansal, na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Dito na nagawa ni PCpl. Marasigan na mabawi ang baril mula kay Sta. Rita at kaagad itong inaresto, sa tulong mga rumespondeng barangay tanod.

Narekober ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang isang black sling bag na naglalaman ng anim na iba’t ibang uri ng cellphone kabilang ang isang cellphone na nagkakahalaga ng P3,000 at pagma-may-ari ng biktima.

Ang naarestong suspek ay kasalukuyan nang nakapiit at sasampahan ng kasong Robbery at Direct Assault sa Manila City Prosecutors Office. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

DOE ban on coal power plants should end bid outright - consumer group

Thu Feb 18 , 2021
THE Department of Energy’s (DOE) existing ban on coal power projects should have ended one of the bidders’ chances to supply part of Meralco’s 1,800-megawatt power needs. In October last year, the DOE issued a moratorium in endorsing greenfield or new coal-fired power plant projects notwithstanding committed projects and expansion […]

Follow Us

%d bloggers like this: