Pabor ang siyam sa labing-pitong Metro mayors na isailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang buong Metro Manila.
Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, siyam na alkalde ang pabor sa MGCQ habang walo naman ang kontra na luwagan ang quarantine restrictions sa Metro Manila.
Tumanggi naman si Tiangco na banggitin kung sino ang mga alkalde na pabor sa MGCQ.
Gayunman, mismong si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay nagpahayag na pabor siya sa MGCQ.
Nauna rito, inirekomenda ng Natuonal Economic Development Authority (NEDA) na isailalim sa MGCQ ang Metro Manila dahil kailangan nang umusad ng ekonomiya ng bansa.
Tutol naman dito si World Health Organization (WHO) representative to the Philippines Dr. Rabindra Yasinghe dahil hindi pa umano na-flatten ang curve o hindi pa bumubuti ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.