Breaking News

Share this information:

BUMABAGAL na ang pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas bunsod na rin ng unti-unting pagbuti ng sitwasyon sa National Capital Region (NCR) at CALABARZON.

Ayon sa OCTA Research Group, may nakikita na silang negatibong growth rate ng mga kaso ng virus infection sa bansa.

Tinukoy ng grupo na bumaba ng dalawang porsyento ang average na kasong naitatala na mula sa 20,700 nuong nakaraang linggo ay nasa 20,000 na ito.

Sinabi ni Dr. Guido David, isang OCTA fellow, na bagamat pumalo ng mahigit 23,000 o pangalang pinakamataas na bilang na kasong naitala sa isang araw, mababa pa rin itong maituturing.

Every day, we’re having a negative growth rate. We’re starting to see a pattern and in fact, we haven’t seen this pattern na puro negative growth rate since last April or May,” ayon kay David.

Malaking bagay aniya na napapababa ang mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR), Calabarzon at Bulacan na may malaking kontribusyon sa kabuuan ng mga kaso sa Pilipinas.

Sa NCR, naitala ng OCTA ang negative growth rate sa unang pagkakataon mula nuong Hulyo.

“Usually, ‘yong nationwide, sumusunod siya sa NCR and Calabarzon kasi malaki ‘yong bilang ng NCR, Calabarzon. Usually mga nasa 60 percent ng cases nandito. Puwede pang magbago ‘yong trend pero sa ngayon, hindi na natin nakikita ‘yong 30,000 cases [kada araw] na nasabi natin noon,” paliwanag ni David.

Nauna nang iginiit ng Department of Health na tumataas pa rin ang kaso at hindi pa naabot ang peak o pinakamaraming bilang ng nagkakasakit ngunit kinontra ito ng OCTA na naninindigang posibleng naabot na ang peak ng mga kaso.

We may have reached the peak,” ayon kay David.

Samantala, sinabi pa ng OCTA na bagamat bumababa rin ang mga kaso ng COVID-19 sa Cebu City dahil sa mga granular lockdown, nakita naman ang pagtaas sa Western Visayas at Ilocos region gayundin sa mga lalawigan ng Rizal at Pampanga.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: