Halos P300-milyong pondo para sa PGC sa VisMin, aprubado na

APRUBADO na ang halos P300 miyong pondo para sa bubuksang pasilidad ng University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC) para sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay Department of Health (DOH) Usec Maria Rosario Vergeire, layon ng P295.7 milyon na pondo na matugunan ang mga isyu at hirap sa pagpapadala ng mga samples sa Metro Manila mula sa DOH regional offices.

Paliwanag ng opisyal, sa pagpapalakas ng kapasidad ng UP-PGC, mas maraming sample ng mga tinatamaan ng COVID-19 ang maisasalang sa genome sequencing. 

Kapag operational na ang UP-PGC sa Visayas at Mindanao, inaasahan na madaragdagan na ang masusuri mula sa 750 samples kada linggo na nagagawa ngayon ng genome center.

Nilinaw naman ng DOH na hindi lamang sa COVID magagamit ang pasilidad kundi maging sa iba pang banta ng kalusogan sa hinaharap.

Paglilinaw pa ng opisyal, ang genome sequencing ay hindi dapat gawing batayan ng mga lokal na gobyerno bago gumawa ng aksyon sa mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.