Tanggapan ng FDA sa Muntinlupa, pansamantalang nakasara

SARADO ngayong araw, Agosto 27, ang gusali ng Food and Drug Administration (FDA) sa Muntinlupa City.

Ito ay upang bigyang daan ang pagsasagawa ng “disinfection” sa buong gusali.

Ayon kay FDA Director Eric Domingo, ito ay dahila nakapagtala ng 29 kaso ng COVID-19 sa kanilang mga kawani.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa kabuuang  1,899,200 ang tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.

Kahapon lamang ay muling nakapagtala ng higit 16 libong bagong kaso sa isang araw dahil na rin sa Delta variant.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.