Halos 2,000 naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong Pebrero 19

Share this information:

Sa pinakahuling case bulletin ng  Department of Health (DOH), muling sumirit sa halos dalawang libo o 1,901 ang naitalang bagong kaso ng nakamamatay na sakit na COVID-19 ngayong araw, dahilan para maging  557,058 na ang kabuuang mga kaso sa Pilipinas.

Karagdagang 537 naman ang naitalang bagong gumaling sa sakit kaya umabot na sa 512,789 ang recoveries.

Nasa 157 naman ang nadagdag sa mga pumanaw kaya ang kabuuang bilang ng COVID-19-related deaths ay nasa 11,829 na ngayong araw.

Samantala, nasa 32,440 naman ang aktibong kaso o yung mga patuloy na nagpapagaling pa sa mga ospital at quarantine facilities.

Sa bagong natuklasang mutation o dalawang variant ng SARS-CoV2 sa  Region 7, paalala pa rin ng DOH ang pagpapaigting sa health safety measures at minimum public  health standards upang mapigilan ang pagkalat nito.

Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi pa direktang maiuugnay ang spike ng kaso sa nasabing rehiyon sa natuklasang dalawang variant. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

P50-M smuggled na sigarilyo, nasabat ng BOC

Fri Feb 19 , 2021
Aabot sa halagang P50 milyon ang nasabat ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS)  ng Bureau of Customs (BOC) port of Cagayan de Oro na mga puslit na sigarilyo lulan ng dalawang container van mula China. Ang kahon-kahong smuggled na sigarilyo ay idineklara umanong furniture na naka-consigned naman sa LMRC 418 […]

Follow Us

%d bloggers like this: