P50-M smuggled na sigarilyo, nasabat ng BOC

Share this information:

Aabot sa halagang P50 milyon ang nasabat ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS)  ng Bureau of Customs (BOC) port of Cagayan de Oro na mga puslit na sigarilyo lulan ng dalawang container van mula China.

Ang kahon-kahong smuggled na sigarilyo ay idineklara umanong furniture na naka-consigned naman sa LMRC 418 Direct Import Export Corp.

Dumating ito sa bansa noong Pebrero 14, 2021  sa  Mindanao Container Terminal (MCT) sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Sa pamamagitan ng  natanggap na impormasyon kaugnay sa kargamento isang Pre-Lodgement Control Order ang inisyu ni District Collector John Simon ng Port of Cagayan de Oro base na rin sa rekomendasyon ng CIIS.

Nang inspeksyunin, nadiskubreng mga puslit na Marvel at Two Moon branded cigarettes ang laman ng container van at hindi furniture.

Pinuri  naman ni District Collector John Simon ang CIIS CDO Field Station sa pangunguna ni  IO1 Oliver Valiente dahil sa patuloy na pagiging bigilante sa pagbabantay sa border.

Samantala, nag-isyu na ng  Warrant of Seizure and Detention para sa  shipment na nakatakdang sirain.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

PLDT backs BIR's digital transformation, cloud-based data storage solutions

Fri Feb 19 , 2021
The Bureau of Internal Revenue (BIR) announced that it collected a record-breaking P1.95 trillion for the fiscal year 2020 nationwide. For 2021, the agency is eyeing a nationwide collection target of 2.081 trillion, which it announced at the BIR’s 2021 Tax Campaign Kickoff event. For his part, PLDT Chairman and […]

Follow Us

%d bloggers like this: