Breaking News

Share this information:

MATAGUMPAY na nasabat ng Bureau of Customs (BOC) Zamboanga Port ang tinatayang nasa P15 milyong halaga ng smuggled na bigas sa Bongao, Tawi-Tawi.

Ayon sa BOC, Setyembre 12 nang makatanggap ito ng impormasyon mula sa intelligence kaugnay sa isang watercraft na may lulang smuggled na bigas.

Dahil dito, nagsagawa ng joint operation ang BOC, sa pakikipagtulungan sa Philippine Coast Guard-Coast Guard District Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PCG-CGDBARMM) sa pamamagitan ng Coast Guard Station Central Tawi-Tawi, laban sa isang sasakyang pandagat na umano’y may kargang sako-sakong bigas na hindi dokumentado.

Ang anti-smuggling operation ay nagresulta ng pagkakasabat sa isang motor launch MV Eshan Khan na may sakay na 14 crew mula sa Sandakan, Malaysia.

Lulan ng motor launch ang 15,000 hanggang 20,000 sako ng bigas na aabot sa naturang halaga patungong Zamboanga.

Nasa kustodiya na ngayon ng Bongao Subport Tawi-Tawi ang nasabat na mga bigas

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: