Breaking News

Share this information:

NALAGLAG sa lambat ng batas sa pangunguna ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Counter Terrorism Division (NBI-CTD) ang isang Abu Sayyaf Group (ASG) member sa isinagawang operasyon sa Culiat, Quezon City dahil sa  Kidnapping at Serious Illegal Detention.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric Distor ang naaresto na si Albazir Abdulla y Hamski alyas Abu Saif.

Base sa impormasyong natanggap ng NBI-CTD, isang Abu Saif na sangkot sa 2001 Golden Harvest Plantation Kidnapping ay namataan sa National Capital Region (NCR). 

Natukoy naman ng victim-witness si Abu Saif sa NBI-CTD photo line-up na isa sa mga kidnappers at miyembro ng ASG.

Isinagawa ang serye ng casing and surveillance operations ng NBI-CTD sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan nito sa kanilang counterpart mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang makakuha pa ng karagdagang mga impormasyon kung saan nalaman ang kinaroroonan ng bahay ni Abu Saif.

Dahil dito, ikinasa ang operasyon ng NBI-CTD at pinuntahan ang target na lugar sa Salam Compound, Brgy. Culiat, Quezon City at inaresto si Abu Saif na kalaunan ay nakilala bilang si Abdulla.

Kasalukuyan nang nakakulong sa NBI Detention Facility ang suspek.

Ayon kay Distor, dahil sa patuloy na pagsubaybay, ang NBI-CTD ay patuloy din na natutunton at naaaresto ang mga kasapi ng ASG na nakahalo na sa lipunan.

Dagdag pa ni Distor na ang suspek ay pangalawang miyembro ng terrorist group ASG na naaresto ngayong taon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: