Habang nagvi-video call kay misis na nasa Saudi: mister, tinodas ng riding in tandem

Patay ang isang 40 anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa matukoy na mga suspek na magka angkas sa motorsiklo sa Bataan.

Sa inisyal na ulat, naganap ang krimen sa Barangay Talimundoc, Orani, Bataan pasado alas 7 ng gabi ng Huwebes habang kausap ng biktima ang asawa nito na nasa Saudi Arabia sa pamamagitan ng ‘video call’.

Sa report kay Orani Police chief, Police Major Joey Sampaga, nakilala ang biktima na si Paulo Ocampo, residente sa naturang Lugar.

Ayon sa isang kaanak, isinugod ito sa Orani District Hospital subalit idineklara na itong dead on arrival.

Dead on the spot si Ocampo sa mismong pinangyarihan ng pamamaril bunsod ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa ulo at iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Inaalam pa sa imbestigasyon kung ano ang naging motibo sa paglikida ng mga salarin sa biktima.

IN PHOTO: Isang miyembro ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang patuloy na nagsisiyasat sa lugar kung saan naganap ang pamamaril at pagpaslang sa biktima na si Paulo Ocampo habang nakikipag-usap sa kanyang misis na nasa Saudi Arabia sa pamamagitan ng ‘video call’ sa Orani, Bataan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.