‘Tahong’ inulam sa pananghalian: 4-anyos na babae, patay

Nasawi ang isang 4-taong gulang na babae sa Catbalogan City, Samar makaraang malason sa kinaing “tahong” nitong araw ng Miyerkules.

Nabatid sa report ng Catbalogan City Police station, ang biktima na hindi na pinangalanan, maging ng kanyang magulang at iba pang kaanak ay nagkaroon ng masamang pakiramdam at biglang pagsusuka, nahihirapang huminga at pagka manhid matapos makakain ng ‘tahong’ na kanilang inulam sa tanghalian.

Agad silang isinugod sa Samar Provincial Hospital sa nabanggit na bayan subalit tanging ang paslit lamang ang sinawimpalad na binawian ng buhay.

Posibleng sa “paralytic shellfish poisoning” o red tide ang dahilan ng pagkamatay ng batang biktima.

Umapela naman ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko na huwag manguha o manghuli ng tahong o bumili nito sa pamilihan dahil malaking bahagi ng karagatan sa Samar ay may kontaminasyon ng red tide toxins.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.