Habang nagha-harvest ng kamote: 2 kabataan pinagbabaril, sugatan

Share this information:

PINAGHAHANAP na ng mga awtoridad ang isang lalaki na namaril ng dalawang kabataang lalaki habang ang mga ito ay nangunguha ng mga tanim na kamote sa loob ng Terra Verde Residences subdivision, Barangay Bancal, Carmona, Cavite kamakalawa ng hapon.

Nasa Carsigma Hospital na ang dalawang biktima na nasa edad 14 at 15 anyos, habang inoobserbahan ng mga duktor bunsod ng tinamong tama ng bala sa braso at kamay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Cavite City Police Office (CCPO), nangyari ang insidente pasado alas 4 ng hapon ng Huwebes sa loob ng subdibisyon sa nabanggit na lugar.

Nagkayayaan lamang umanong mag-harvest ng tanim na mga kamote sa isang bakanteng lote ng subdibisyon subalit nagulat na lamang sila ng sila ay pagbabarilin ng suspek na nakilalang si Lino Guliman Estoya.

Mabilis umano silang tumakbo palayo subalit nadaplisan sila ng bala sa pamamaril habang ang suspek na si Estoya, na umanoy posibleng guwardiya sa subdibisyon, ay mabilis na tumakas. Nasa ligtas ng kondisyon ang dalawang kabataan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.