Spike ng kaso sa region 7 mahirap iugnay sa natuklasang 2 variant – DOH

SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III na mahirap direktang iugnay ang nakitang dalawang variants sa spike ng kaso sa Region 7 o sa Visayas region.

Ito ang pahayag ng kalihim sa media forum kung saan ipinaliwanag nito na maraming factors na dapat alamin o obserbahan dahil nag Modified General Community Quarantine o MGCQ ang nasabing rehiyon.

Aniya tumaas ang mobility ng mga tao kaya tumaas din ang transmission rate at contact rate.

“Yan tingin ko ang posibleng dahilan pero pwedeng hindi lang siya ang dahilan, posibleng marami ring dahilan kaya kailangan ng mas malalimang pagssuuri para malaman natin kung ang pagtaas na ito ay dahil sa isang factor or pangalawang factor or combination ng factors”, pahayag pa ni Duque.

Dapat aniyang makahanap ng ebidensya na  mai-tatag kung ano ba talaga ang sanhi ng spike sa nasabing rehiyon. 

Samantala, sinabi ni Dr. The de Guzman ng Epidemiology Bureau na wala pang “conclusion” sa mabilis na pagtaas ng kaso sa Region 7 kung saan nakita ang mutation ng SARS-CoV-2.

Ayon kay de Guzman, bagamat wala pang konklusyon, ang importante aniya ay may ginagawa nang hakbang ang Departmemt of Health (DOH) maging ang local government units (LGUs).

Aniya, tuloy-tuloy ang ginagawang pag-iimbestiga at ang magiging sagot kung ang mutation ang dahilan ng biglaang pagtaas ng kaso sa Region 7.

Ang impormasyong ilalabas aniya ang makakatulong kung may gagawing pagbabago sa pagtugon.

Sa ngayon aniya ay ginagawa na mga kailangang mga helat protocols upang mapigilan ang mutation.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.