TUSTA na ang bangkay ng isang 63-taong gulang na lalaking guro ng matagpuan sa isang talahiban malapit sa eskuwelahan sa bayan ng Sto. Domingo sa Nueva Ecija kahapon araw ng Lunes, Marso 22, 2021.
Ang itinuturong suspek sa karumal-dumal na krimen ay ang dating studyante ng biktima na nakilalang si Joebert Camrot, 20-anyos, naninirahan sa Barangay San Pascual, na boluntaryong sumuko sa pulisya.
Ayon sa imbestigasyon, naglalaro umano si Camrot sa kanyang cellphone nang dumating ang biktima na si Rolando Dela Cruz ng San Alejandro Quezon, at walang sabi-sabing binatukan nito ang una.
Sa galit ng suspek ay kumuha ito ng kahoy at pinalo sa ulo ang biktima hanggang sa bumulagta.
Kasunod nito ay kumuha naman ng mga tuyong dahon si Camrot sa gilid ng paaralan at saka sinilaban kasama ang katawan ng biktima malapit sa San Pascual Elementary School. Naikuwento pa umano ni Camrot sa kanyang kababata ang ginawa nitong krimen kung saan ay agad naman siyang pinayuhan nito na sumuko sa mga awtoridad.

