Graphic artist tumalon sa GMA roof deck

Share this information:

WINAKASAN umano ng isang graphic artist ang kanyang sariling buhay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa tinutuluyan nitong condominium at bumagsak sa roof deck ng GMA Network Annex Building sa Quezon City, Biyernes ng gabi.

Tinukoy ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit ang nasawi na si Jason San Andres, 28-anyos, residente ng Victoria Station sa EDSA, Barangay South Triangle ng nasabing lungsod.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:17 ng gabi ng Biyernes matapos umanong bigla na lang magalit si San Andres sa kanyang kinakasama na nakilala lamang sa pangalang Hannah, 27-anyos.

Nagpapahinga umano ang maglive-in partner nang magalit si San Andres at sinakal po umano ang babae ngunit nang tumigil ay tuluy-tuloy na lumabas ng silid hanggang sa balkonahe at tumalon.

Nasaksihan ng isang guwardiya ng GMA Annex ang pagbagsak ni San Andres.

Una rito, na-confine umano si San Andres sa Philippine General Hospital dahil sa hindi makatulog at  pagiging ‘mentally unstable.’

Sa pagsisiyasat ng SOCO Team sa pamumuno ni PLt. Chari Bell M Jandoc, nagtamo ang biktima ng grabeng pinsala sa ulo, nabali ang mga binti, at mga pasa sa katawan.

Patuloy pa ring sinisiyasat ng mga awtoridad ang insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.