14-anyos, ginawang sex slave ng amain

HINDI na umano mabilang ng 14-anyos na babae kung ilang ulit siyang hinalay ng kanyang amain sa tuwing umaalis ng kanilang bahay ang ina nito sa bayan ng Rosales, Pangasinan.

Ayon sa biktima na itinago sa pangalangang Nimfa, hindi siya makapagsumbong nuon dahil tinatakot siya ng amain na mapapatay lamang siya ng kanyang ina kapag nalaman ang nangyayari sa kanilang dalawa.

Ngunit nagawang makapagsumbong na ng biktima na nagresulta ng pagkaka-aresto sa suspek.

Bagamat sinabi ng ina ni Nimfa na napagkasunduan nilang mag-ina na patatawarin na lamang ang suspek na humingi ng tawad at nakiusap sa kanila, itinanggi ito ng biktima.

Inamin naman umano ng suspek ang krimen na epekto lang aniya ng alak kaya’t natukso siya sa dalagita.

“Naalimpungatan ako kaya nagawa ko rin ‘yon. Tapos nakainom din ako nang kaunti ng alak kaya nagawa ko rin yung hindi maganda,” ayon sa suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.