Breaking News

Share this information:

NASAWI ang pasahero ng isang e-trike habang malubha  ang drayber nito nang masalpok ng isang kotse sa Imus City, Cavite nitong Lunes ng gabi.   

Kapwa isinugod sa ospital sina Amelita Ricafrente at ang drayber ng e-trike na si Virgilio Minaldo, 64, ngunit pumanaw habang ginagamot si Ricafrente. 

Natukoy naman ang drayber ng Hyundai Accent Sedan na si Raven Supilanas na nagtangka umanong tumakas subalit hinabol siya ng isang tricycle driver. 

Sa ulat ni PSSgt Jury Rayco ng Imus City Police Station dakong alas-7:20 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sakop ng Brgy Anabu 1-C, Imus City kung saan binabagtas ng e-trike ang nasabing lugar mula sa City Mall at paliko sana sa kaliwang bahagi sa direksiyon ng north bound nang mabangga sila ng minamanehong sasakyan ni Supilanas.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, kapwa tumilapon ang nakasakay sa e-trike at nagtamo ng malalang sugat at isinugod sa ospital.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: