Breaking News

Share this information:

MAAARI nang makinabang ang publiko na makararanas ng severe o matinding epekto ng bakuna laban sa COVID-19 sa inilunsad na compensation package ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth)

Ang COVID-19 vaccine injury compensation package ng Philhealth ay bahagi ng naisabatas na indemnification o kompensasyon para sa mga indibidwal na nakaranas na serious adverse events, matapos na mabakunahan kontra COVID-19.

Ayon kay Philhealth Vice President Shirley Domingo, pupuwede nang magamit ang compensation package sa loob ng limang taon o hanggang Marso 2, 2026; o hanggang sa makumpleto na ang COVID-19 vaccination program ng bansa.

Posible rin aniya ang pagpapalawig ng compensation package kung gugustuhin ng Presidente ng bansa, batay sa rekomendasyon ng advisory committee.

Nauna nang nalathala sa isang pahayagan nuong kalagitnaan ng Hunyo ang implementing rules and regulations (IRR) patungkol sa kompensasyon.

Sa ilalim nito, kung na-ospital ang indibidwal na naturukan ng COVID-19 vaccine ay aabot sa P100,000 ang compensation package maliban pa sa kanilang Philhealth benefits at benepisyo sa ilalim ng kanilang private health insurance o health management organizations.

Para sa permanent disability o death o pagkasawi, sinabi ni Domingo na ang lumpsum o buong halaga na aabot sa P100,000 ay babayaran isang beses para sa benepisyaryo.

Ang mga eligible o maaaring mag-claim ng vaccine injury compensation package ay ang taong nabakunahan o ang primary beneficiaries tulad ng asawa, mga anak; at secondary beneficiaries tulad ng mga magulang.

Nilinaw naman ni Domingo na ang “direct causality” o sanhi ay kailangang matukoy at makumpirma sa pamamagitan ng causality assessment para alamin kung ang COVID-19 vaccine ang dahilan ng naranasang adverse reactions ng nabakunahan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: