Breaking News

Share this information:

NANINIWALA  ang Department of Health (DOH) na kakayanin kung magkakaroon ng quarantine status tulad ngayong general community quarantine (GCQ) na may “heightened restrictions.”

Paliwanag ni DOH Usec Maria Rosario Vergeire, napag-usapan ito bago nairekomenda sa IATF at nagkaroon ng masusing pag-aaral ang mga eksperto, ng DOH at concerned agencies tulad ng National Economic and Development Authority (NEDA) ukol sa nangyari noong modified enhanced community quarantine o MECQ.

Mayroon din aniyang ginamit na projection para nakikita ano mga dapat na gawin.

Ayon pa kay Vergeire, base sa napag-aralan  at kapag tiningnan ang kasalukuyang datos, nakikita na ang kasaluyang kaso o average daily cases ay bumababa.

Nakita rin ang growth rate ay naging negative para sa NCR Plus Bubble, maging ang health care utilization rate ay nakitang unti-unti nang napapaluwag ang mga ospital.

Dagdag pa ni Vergeire, dati nasa 88 porsiyento ang ICU bed pero ngayon ang ICU bed utilization ay nasa 67 porsiyento na lamang.

Ito aniya ang improvement pero hindi naman aniya sinasabi na ligtas na lahat at maaari nang maging kampante.

Sa GCQ with heightened restrictions, unti-unti aniyang bubuksan  ang ibang industriya para magkaroon ng trabaho ang mga Pilipino pero ang non-essential activities ay restricted pa rin aniya.

Kailangan din aniya na ibalanse ang economic losses dahil sa economic losses na yan ay marami nang mga Pilipino ang nagugutom.

Ang hunger and lack of work ay mayroon din epekto sa kalusugan ng isang tao kaya kailangan nating binabalanse yan,” anang opisyal.

Ang  isa sa napaka-importante na na-emphasize natin is for the local government to work on shortening the period  from the time a person detected with COVID -19 or with symptoms  to the time that they are isolated.“

“So ang target  natin ngayon kung  maibaba natin ng kahit 5.5 days ang kaso. Yun sabi sa pag-aaral na ginawa ng NEDA,” ani Vergeire. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: