Breaking News

Share this information:

INANUNSIYO ng Commission on Election (Comelec) na simula sa Lunes,  Mayo 17, ay muling itutuloy ang voters’ registration sa NCR Plus.

Ayon sa Comelec, ito ay kasunod ng deklarasyon ng pagsasailalim na ng NCR plus sa general community quarantine o GCQ.

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa virtual press conference na maaari nang magtungo sa mga field offices ng Comelec sa NCR simula sa  Lunes ang mga nais magpatala.

Bukas ang voter registration mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Maaalala na pansamantalang sinuspinde ang voter registration sa NCR Plus dahil na rin sa quarantine status o enhanced community quarantine (ECQ) na ipinataw sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan hanggang ibaba ito sa modified enhanced community quarantine o MECQ.

Aabot na sa 58.9 million ang mga rehistradong botante sa buong bansa ayon kay Comelec Executive Dir. Bartolome Sinocruz Jr.

Aniya, kailangan pa ring matiyak na masusunod ng mga magpaparehistro ang health protocols kontra COVID-19, gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: