Fr. Joaquin Bernas, pumanaw na

Share this information:

PUMANAW na ang isa sa mga humulma o “framers” ng 1987 Philippine Constitution na si Fr. Joaquin Bernas.

Pumanaw si Fr. Bernas sa edad na 88.

Si Fr. Bernas ay isang Jesuit lawyer at Ateneo School of Law Dean Emeritus.

Ipinanganak siya noong Hulyo 8, 1932 sa Baao, Camarines Sur.

Agad namang bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ng isa sa mga itinuturing na legal luminary at bumuo sa konstitusyon ng ating bansa noong 1987.

Sa isang memo na inilabas ni Ateneo Law School dean Jose Maria Hofileña, kinilala nito ang malaking ambag ni Fr. Bernas sa kanilang komunidad at sa nakararami.

“He has contributed immeasurably to keeping the Ateneo Law School true to its identity and calling. The Ateneo Law School’s debt of gratitude to Fr. Bernas can never be truly repaid,” saad sa memo ni Hofileña.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.