9 aktibista, patay sa operasyon sa CALABARZON

Share this information:

TINATAYANG siyam na aktibista ang napatay habang anim na iba pa ang inaresto sa magkakasabay na operasyong inilunsad ng pulisya sa CALABARZON, Linggo ng umaga.

Ayon kay PRO4A public information office chief Police Lieutenant Colonel Chitadel Gaoiran, anim sa mga nasawi ay mula sa Rizal, dalawa sa Batangas at isa sa Cavite.

Anim din sa mga militante mula sa Laguna at Rizal ang dinampot ng mga awtoridad habang siyam na iba pa ang tinutugis.

Maliban dito, nasamsam ng mga awtoridad ang mga pampasabog at ilang baril na pag-aari umano ng mga tinarget na arestuhin.

“May mga nakuha pong explosives at assorted firearms sa mga suspects,” ani Gaoiran.

Una nang inilunsad ng Police Regional Office 4, Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit 4A, CIDG National Capital Region, Special Action Force, SAF Air Unit kasama ang 202nd Brigade, 2ID ng Philippine Army ang sabayang pagsisilbi ng search warrant laban sa mga hinihinalang communist terrorist sa Cavite, Laguna, Batangas, at Rizal area.

Si Manila Regional Trial Court Branch 4 judge Jose Lorenzo dela Rosa ang nagpalabas ng seach warrant upang mapayagan ang mga pulis at sundalo na magsagawa ng raid.

Samantala, nabatid mula kay Bayan secretary general Renato Reyes na kabilang sa mga napatay ay ang Bayan Cavite coordinator na si Manny Asuncion, na binaril umano nang salakayin ang Workers Assistance Center sa Dasmariñas City.

“The Bagong Alyansang Makabayan condemns in the strongest possible terms the brutal and deadly crackdown on activists in Cavite, Laguna, Batangas and Rizal,” ani Reyes.

“We hold President Duterte and General [NTF-ELCAC spokesperson General Antonio] Parlade directly accountable for the killing and illegal arrest of these unarmed activists, as well as the brazen weaponization of search warrants and planting of evidence that were done to justify such actions. This adds to the long long list of atrocities committed by Duterte and his tyrannical, fascist regime,” dagdag pa nito. (with reports from Cyrill Quilo)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

DOH expressed alarm over 3,000 daily new COVID-19 infection

Sun Mar 7 , 2021
Health Undersecretary Leopoldo Vega expressed alarm over the 3,000 daily new COVID-19 cases recorded in the country. “Alarming ‘to. We’re taking necessary precautionary measures lalo na sa hospitals. Ngayon week na ‘to, nakikita niyo nag-i-increase ng trend, nag-a-uptick. There is an increase in the number of active cases,” said Vega […]

Follow Us

%d bloggers like this: