Tinamaan ng ”fish kill ” ang isa sa pitong lawa na Sampaloc Lake sa San Pablo City, Laguna.
Nagsilutang ang mga patay na isdang Ayungin, Tilapia, Big Head Carp at Black Mask nitong bagong taon lamang.
Agad na nagsagawa ng pagsusuri ang Laguna Lake Development Authority and Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa tubig ng nasabing lawa.
Napag-alamanan na isang phenomenon na nangyayari na tinatawag nilang “Duong.”
Isa itong phenomenon tuwing panahon ng tag-lamig kung saan nagsasalubong ang mainit na tubig sa ibabaw at papalitan ng tubig mula sa ilalim ng lawa.
Kinukulang ng oxygen ang mga isda kaya’t mamamatay ang mga ito.
Upang maiwasan ang paglala ng “Duong,” nagpasiya na ang mga cage owners na i-salvage na lamang ang mga natitirang isda sa Sampaloc Lake. Tinatayang halos 13 toneladang isda ang nasayang dahil sa nasabing ”fish kill.”
Ang Sampaloc Lake ay ang pinakamalaki sa pitong lawa sa San Pablo City.