Pagtataas ng kontribusyon sa Philhealth, hindi na matutuloy ngayong taon

INIATRAS na ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang plano nitong pagtataas ng kontribusyon ng kanilang mga miyembro ngayong taon.

Alinsunod ito sa atas ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang ano mang pagtataas ng premium ng Philhealth sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“PhilHealth is one with the President in his effort to ease the burden on many Filipinos being affected by the pandemic,” ayon sa state insurer.

“In response to his directive, PhilHealth will still collect premiums from Direct Contributors using the 3% instead of the 3.5% contributions rate, and the P60,000 instead of the P70,000 ceiling in CY 2020,” dagdag nito.

Una nang ikinasang singilin ng Philhealth ang mga miyembro nito ng 3.5-porsyento ng buwanang sweldo na kontribusyon simula ngayong buwan.

Mula ito sa kasalukuyang 3-porsyento upang matiyak na may sapat na pondo para sa healthcare benefits ng may 110 milyong Philhealth members na itinatakda ng Universal Health Care Law.

“This interim arrangement will be good until Congress is able to pass a new law allowing the deferment of the scheduled premium adjustment in the Universal Health Care Act of 2019,” ayon sa PhilHealth.

“Should there be no new legislation passed for this purpose, the state health insurer will proceed with the scheduled premium rate and ceiling as provided for in the UHC law,” dagdag nito. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.