Breaking News

Share this information:

PARA sa Halalan 2022, kauna-unahang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) ngayong araw, Oktubre 1, si Sen. Manny Pacquiao ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), Pimentel wing, para sa pagka-Pangulo.

Kasama nitong nagtungo sa Sofitel Harbor Garden sa Pasay City, na siyang itinalagang lugar ng Commission on Elections (Comelec) para sa magpa-file ng kanilang COC, ang kanyang maybahay na si Jinkee at  BUHAY Party-list  Rep. Lito Atienza.

Si Atienza ang siyang running mate ni Pacquiao bilang kanyang bise presidente..

Sa pagkasenador, nauna namang naghain ng COC si Rep.. Loren Legarda mula sa nag-iisang distrito ng lalawigan ng Antique.  Siya ay tatakbo sa ilalim ng partidong Nationalist People’s Coalition o NPC.

Bukod dito, naghain na rin ng kaniyang COC sa pagkasenador si dating Eastern Samar governor at Senate secretary Lutgardo Barbo, na kasama sa senatorial line-up ni Pacquao.

Naghain na rin ng kaniyang COC sa pamamagitan ng kaniyang abogadong si Atty. George Garcia si Sorsogon Governor Chiz Escudero na nagnanais na muling bumalik sa Senado.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: