Breaking News

Share this information:

APRUBADO na ni Manila Mayor Francisco Domagoso ngayong Martes ang kahilingan ng apat pang paraalan sa lungsod na magsagawa ng limitadong face-to-face classes para sa kanilang medical at allied health programs. 

Kabilang sa mga apat na unibersidad ang University of the Philippines (UP) Manila, Emilio Aguinaldo College (EAC), PHINMA St. Jude College (SJC), at National University (NU) .

All approved,” sambit ni Domagoso sa mga kinatawan ng mga paaralan sa ginawang pagpupulong sa Manila City Hall.

Alinsunod sa Commission on Higher Education (CHED)-Department of Health (DOH) Joint Memorandum Circular (JMC) No. 2021-001 sa “Guidelines on the Gradual Reopening of Campuses of Higher Education Institutions for Limited Face-to-Face Classes During the COVID-19 Pandemic,” nagsumite ang nabanggit na mga unibersidad sa LGU ng kani-kanilang plano kung paano sila susunod  sa health protocols para sa face-to-face sessions.

I trust everyone to follow the health protocols. Mas gusto ko ‘yung kayo ang magkusa ng disiplina,” wika ni Domagoso.

Agad na nilagdaan ni Domagoso ang lahat ng letters of intent na isinumite ng mga kinatawan ng mga paaralang nabanggit.

Hinikayat din sila ng alkalde na magpabakuna laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pag-update sa kanila ng progreso ng mass vaccination program ng lungsod, na nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng nabakunahan na umabot sa 22,066 indibidwal sa isang araw nitong Mayo 27.

Hinimok din ng alkalde  ang mga paaralan na mabakunahan ang lahat sa kanilang mga campus.

Aniya, possible ito kapag ibinigay ang go-signal upang mabakunahan ang mga nasa kategoryang A4.

The A4 category has been simplified,”.anang alkalde.

 “It now includes all workers who are required to go outside their homes to perform their jobs. Kaya pwede na ang halos lahat. Antabayanan lang natin ang announcement na pwede na ang A4 and, of course, when vaccines are available,” dagdag pa ni Domagoso.

Tiniyak din ni Domagoso sa mga kinatawan ng mga paaralan na ang LGU sa pamamagitan ng Manila Health Department (MHD) ay susuporta sa kanilang pangangailangan sakaling may magpositibo sa kanilang campus.

We will make sure that every single cent that you have paid to the city [for your taxes] is fully utilized to protect you from harm and, of course, hopefully from this virus.”

We want to make you feel that Manila is a good place to live in. Mapapanatag ko man lang ang damdamin ninyo araw-araw,” dagdag pa ni Domagoso. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: