Opisyal ng PNP aksidenteng nabaril ang sarili sa firing range

Share this information:

NASA maselang kondisyon ngayon sa pagamutan ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) makaraang mabaril ang sarili habang nasa firing range sa loob ng Camp Karingal sa Quezon City.

Patuloy na inoobserbahan sa St. Lukes Medical Center si Police Major General Rolando Hinanay, ang hepe ng Directorate for Personnel Records and Management (DPRM) sa kampo Crame sa tinamong tama ng bala ng baril sa kanyang hita.

Ayon sa report ni Police Captain Eric Aliño, range master ng QCPD Firing Range, naganap ang insidente pasado alas 10 ng umaga ng Linggo, Nobyembre 7, 2021.

Nabatid na inaalalayan umano ng Range Assistant na si Ronnel Alcones ay binunot na ni Hinanay ang kanyang .9mm pistol at sinisilip na ang kaniyang target.

Pero nang ibalik ang baril sa holster nito ay dito aksidenteng pumutok at tinamaan ang kanyang kanang hita.

Agad isinugod si Hinanay sa nabanggit na ospital ng mga tauhan ng District Medical and Dental Team. Si Hinanay ay unang nag-abiso sa QCPD para sa schedule nilang “firing” kasama ang kanyang pamilya at kasabay sa kaarawan ng anak para sana sa proficiency practice.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Face shield, hindi na kailangan sa Maynila, maliban sa mga ospital

Mon Nov 8 , 2021
HINDI na mandatory ang pagsusuot ng face shield  sa lungsod ng Maynila simula ngayong araw. Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Francisco Domagoso sa ilalim ng Executive Order No. 42. Nakasaad dito na hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield, maliban na lang sa loob ng mga ospital at medical […]
%d bloggers like this: