Face shield, hindi kailangan ipasuot mulin kahit may banta ng Omicron — WHO

Share this information:

HINDI na kailangan ibalik ang mandatory o sapilitan na pagsusuot ng face shield sa gitna ng banta ng Omicron variant ng COVID-19. 

Ayon ito kay World Health Organization (WHO) Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe.

Sinabi niya na mas mahalaga ay ang pagsunod sa minimum health protocols tulad ng social distancing, tamang pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng kamay.

As long as these minimum public health protocols are complied with and we ensure that people do not congregate in closed settings…face shields, at this point, is not mandatory because we are still looking at and understanding the transmission dynamics of the Omicron variant,” ani  Abeyasinghe. 

Magugunitang binawi na ng pamahalaan ang mandatory use of face shield para sa mga lugar na nasa Alert Level 1, 2 at 3, subalit hinimok pa rin ni Acting Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mga mamamayan na ipagpatuloy ang paggamit ng face shield upang magkaroon ng dagdag na proteksyon.

Samantala, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 Sec. Carlito Galvez na pinag-aaralan nila ang posibleng pagbabalik ng mandatory use of face shield, na sangayon din umano si Department of Health Secretary Francisco Duque III sa gitna ng posibleng  pagpasok sa bansa ng Omicron variant.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Obrero, pinagsasaksak ng tatlo sa Malabon, kritikal

Tue Nov 30 , 2021
NASA kritikal na kalagayan ang isang construction worker matapos itong pagtulungan pagsasaksakin ng tatlong lalaki sa Malabon City kamakalawa ng madaling araw. Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan ang biktima na kinilalang si Marvin Gabriel, 36 anyos, ng Blk 2 Lot 23 MPV Dulong […]
%d bloggers like this: