Amerikanong wanted sa iba’t-ibang kaso sa US, nadakip na ng mga awtoridad

NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Amerikano na may mga kinakaharap na kaso sa Estados Unidos.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nadakip ang suspek na si Howard Bernard John Highley, 68 anyos, sa kanyang tirahan sa Mangaldan, Pangasinan.

Sa imbestigasyon ng BI, si Highley ay pinaghahanap ng US federal authorities dahil sa kinakaharap na dalawang bilang ng kasong theft at isang bilang ng kasong forgery.

Kinansela na ng US State Department ang pasaporte ni Highley kaya itinuturing na siya ngayong undesirable at undocumented alien na maaari nang patalsikin palabas ng bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.