Empleyado ng Lazada, huli sa ilegal na droga

Inaresto ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ang isang 42-anyos na di-umano ay empleyado ng Lazada sa isang buy-bust operation sa Binan City,Laguna.

Sa ulat ni Laguna Police Provincial Director Col. Serafin Petalio II kay Calabarzon Police Regional Director BGen. Felipe Natividad, kinilala ang nadakip na suspek na si Angelito Dieta alyas “King,” at residente ng 9012 Purok 4, Brgy. Sto. Tomas, Binan City.

Nagsagawa ng operasyon ang pulisya bandang ala 1:25 ng madaling araw kanina kung saan umaktong bibili ng droga ang isang pulis kapalit ang P500 marked money.

Nakumpiska mula kay Dieta ang ilegal na droga na may tinatayang bigat na 1.5 grams at may halagang P9,750. Dinala na ito sa Regional Crime Laboratory  Office 4-A Calabarzon sa Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna upang suriin.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naturang suspek. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.