Duterte, nanguna sa groundbreaking rites na Philippines Sports Training Center sa Bataan

Share this information:

PINANGUNAHAN nitong nakaraang linggo ni outgoing President Rodrigo Duterte ang groundbreaking ceremony ng Philippine Sports Training Center (PSTC) na matatagpuan sa Barangay Parang, Bagac, Bataan. 

Itatayo ito sa isang 250,000 square meter na land area na nai-donate ng pamahalaang pang-lalawigan ng Bataan sa Philippine Sports Commission (PSC) sa isang seremonyang naganap noong Mayo 18, 2021 na sinaksihan ni Senator Bong Go.

Dumaan ito sa proseso ng ocular inspection, feasibility study at diskusyon pati na ang change of site bago naisagawa ang groundbreaking ceremony.

Bilang pangunang pondo ay naglaan ang national government ng P3.5 bilyong “seed money” para sa proyektong ito alinsunod sa RA 11214 o ang Philippine Sports Training Center Act.

Kasama ng Pangulo sina Senator Bong Go, PSC Chairman Butch Ramirez, Bataan Governor Abet Garcia, Vice Gov. Cris Garcia, 2nd District Rep. Joet Garcia, Congresswoman-elect Gila Garcia, Pusong Pinoy Partylist Rep. Jett Nisay, mga mayor at board member ng mga bayan sa Bataan, mga opisyal sa kapitolyo at ilang pambansang atleta sa naturang okasyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.