PCG, nasagip ang dalawang pasahero mula sa tumaob na speedboat sa Palawan

Share this information:

DALAWANG pasahero ng isang speedboat ang natulungang nailigtas kamakailan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang bahagi ng karagatan sa lalawigan ng Palawan.

Nasagip ng mga rescuers kasama ang mga tauhan ng PCG ang dalawang pasahero ng isang speedboat na aksidenteng tumaob sa katubigan ng Barangay Port Barton, San Vicente, Palawan nitong Sabado, Hunyo 18, 2022.

Sa pakikipag-tulungan ng iba pang mga bangkero, agad na nahila sa mas ligtas na lugar ang speedboat.

Iniulat din na ligtas na ang dalawang pasaherong sakay nito.

[PHOTOS: PCG Sub-Station Port Barton]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.