DTI nag-inspeksyon sa mga supermarkets sa Maynila; request sa price adjustments, kinumpirma

NAG-INSPEKSYON sa ilang supermarkets sa Maynila ang Department of Trade and Industry (DTI) kaugnay sa mga produkto na maaaring magkaroon ng price adjustments.

Kasunod ito ng mga natatanggap na  “request” ng DTI para sa “price adjustment” ng iba’t-ibang mga produkto.

Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na mayroon nang natanggap na hiling ang DTI ukol dito pero ginagawa pa raw ang review rito ng Consumer Protection and Advocacy Bureau.

Gayunman, dadaan pa aniya sa mabusising pag-aaral at kung anuman ang maging rekomendasyon ay isusumite kay DTI Secretary Fred Pascual.

Kabilang sa may request para sa price adjustment ay de-latang sardinas, kape, instant noodles at iba pa.

Kasama rin sa hirit na price adjustment ang tinapay gaya ng pandesal na matagal na nilang hinihiling ang price adjustment dahil na rin sa taas ng halaga ng harina lalo’t imported ang wheat o trigo.

Bagama’t may mabigat na dahilan, sinabi ni Castelo na kailangan aniyang pag-aralan ng mabuti ang price adjustment at hintayin ang iba pang datos.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.