“Double vaccination”, iimbestigahan na ng DOH

SINIMULAN na umano ng Department of Health ang pag-iimbestiga sa sinasabing double vaccination ng ilang indibidwal.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakikipag-ugnayan na sila sa mga kaukulang vaccination sites upang alamin ang pagtuturok umano ng booster shot sa fully vaccinated nang indibidwal.

Gayunman, nauna na ring sinabi ni Vergeire na walang legal na batayan upang kasuhan ang mga indibidwal na tumanggap ng double vaccines.

Pero maaaring may isyu ng moralidad at ethical dahil malinaw na ang ginawang pagpapaturok pa ng Moderna vaccine ng isang fully vaccinated na ng Sinovac ay pagkakait sa pagkakataon ng isang tao na hindi mababakunahan.

Muling binigyang-diin ni Vergeire na hindi pa inirerekomenda ng mga eksperto ang booster shots dahil hindi pa kumpleto ang mga datos hinggil dito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.