Mahigit 5.7 milyong bagong botante, nakapagparehistro na – Comelec

Share this information:

UMAABOT na ngayon sa mahigit 5.7 milyong mga bagong botante ang nakapagparehistro na sa Commission on Elections para makilahok sa Eleksyon 2022.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, nasa 5,727, 223 ang bagong registrants hanggang ngayong araw.

Itinuturing na bagong rehistrado ang mga kakatuntong pa lamang ng edad disi-otso.

Sinabi pa ni Guanzon na kung makakapag-reactivate o muling magsasa-aktibo ng kanilang registration ang kahit limampung porsyento ng 6.3 milyong deactivated voters ay papalo ng mahigit 8.8 milyon ang daragdag sa boboto sa susunod na taon.

Nauna na ring inihayag ni Guanzon na pinayagan na ng Comelec en banc na makapagpa-reactivate ang mga senior citizen at persons with disabilities na hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na regular na eleksyon kahit sa pamamagitan ng online at video conference.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.