SIMULA nuong Hulyo ay kada linggo nang tumataas ang arawang average ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay ito sa ipinalabas na datos ni Department of Health spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Ayon kay Vergeire, nuong Agosto 6 hanggang 12, umabot na sa 10,459 ang average na naiuulat na arawang kaso ng virus infection.
Mula iyan sa average na 7,987 arawang kaso nuong Hulyo 30 hanggang hanggang Agosto 5.
Ang naitala na 10,459 na daily average cases ay halos katulad na rin ng naitalang pinakamataas na arawang kaso ng COVID-19 nuong Abril 9 hanggang 15 na 10,845.
Sinabi ni Vergeire na lahat ng lugar sa bansa ay may pagtaas sa mga kaso pero ang pinakamabilis na pagdami ay sa NCR at NCR Plus.
Sa NCR aniya ay 52 percent na mas mataas ang kaso kumpara nuong nakalipas na linggo.
Nuong Agosto 6 hanggang 12 ay umabot sa 2,727 ang average daily reported cases ng COVID-19 sa Metro Manila.

