Bangkay, natagpuan ng driver sa Laguna

Share this information:

LAGUNA–Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang patay magha-hatinggabi kagabi ng isang cargo truck driver sa Brgy. Mamplasan, Binan City, Laguna.

Ayon sa hepe ng Binan City Police Station na si Lt. Col .Vannie Martinez, maaaring itinapon lamang  ang bangkay sa lugar.

Hanggang sa ngayon ay wala pa ring pagkakakilanlan ang nasabing biktima.

Nireport ng Brgy. Tanod na si  Jonathan Insorio Altura sa pulisya ang natagpuang bangkay ng isang di na nagpakilalang cargo truck driver.

Ang biktima ay mga tama ng bala ng baril sa kanang bahagi ng katawan. Batay sa pangunang imbestigasyon ng pulisya, hinihinalang ang lalaking natagpuang patay ay biktima ng “summary execution.”

Nakasuot ito ng dilaw na polo shirt, maong na pantalon at facemask habang nakatali pa umano  ang mga kamay nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Doktor, hindi "tuob/suob" kapag may sintomas ng COVID -- DOH

Wed Jan 27 , 2021
Kumonsulta sa doktor at hindi “tuob/suob” ang sagot kapag may sintomas ng COVID-19 ayon sa Depatment of Health (DOH). Pinabulaanan ng DOH at World Health Organization (WHO)  ang impormasyon na nakagagaling ang “steam inhalation” o paglanghap ng steam na may asin, lemon at iba pa. Ayon sa DOH, konsultasyon pa […]

Follow Us

%d bloggers like this: