DOH, isasagawa ang direktiba ng Pangulo sa pandemic recovery at pagpapabuti ng healthcare system

NANGAKO ang Department of Health (DOH) nitong Martes na isasagawa nito ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr, tungkol sa COVID-19 pandemic recovery at pagpapabuti ng healthcare system ng bansa.

Ginawa ng DOH ang pahayag matapos ang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo kahapon, Hulyo 25, kung saan sinabi nitong kailangan ng mas matatag na healthcare system  dahil hindi na kakayanin pa ng bansa na magpatupad pa ng panibagong lockdown dahil sa pandemya.

Sinabi rin ng Pangulo na ang patuloy na pagsubaybay sa healthcare system at pagpapalakas sa COVID-19 booster coverage ay mahalaga upang matulungan na maibalik ang mga negosyo ng buong kapasidad matapos na maapektuhan ng pandemya ng mahigit dalawang taon.

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na inilipat na nila ngayon ang kanilang pagtuon sa hindi lamang pagprotekta sa kalusugan ng mga tao kundi pati na rin sa ekonomiya.

It is important that the DOH is agile based on our circumstances. Our focus has fittingly shifted towards saving lives while also protecting livelihoods. We are promoting vaccination on top of our usual health protocols, instead of imposing restrictions,” sabi ni Vergeire sa isang pahayag.

Nangako rin ang DOH na papanatilihin ang close coordination at deployment ng mga kinakailangang mga kagamitan upang mapanatiling handa ang healthcare system ng bansa na tumugon sa mga kaso ng COVID at maging kahit hindi COVID.

Palalawigin din ng DOH ang kanilang booster rollout sa buong bansa upang higit na patibayin ang “wall of immunity” ng Pilipinas laban sa COVID-19 at pagibayuhin pa ang healthcare literacy upang maikintal ang kumpiyansa sa mga komunidad pagdating sa bakuna. 

Nagpapasalamat naman si Public Health Services Team OIC-Undersecretary Beverly Lorraine Ho dahil nakita ng Pangulo ang tunay na halaga ng pagbabakuna, lalo na at dapat pang panatilihin ang isang malakas na wall of imunity laban sa COVID-19.

We must protect ourselves to enjoy this new normal of face-to-face classes and iopen businesses,” ayon kay Ho.

Base sa pinakahuling datos, halos 71.5 milyong Pilipino na ngayon ang fully vaccinated laban sa virus habang mahigit 15.9 milyon naman ang nakatanggap na ng kanilang booster doses. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.