Breaking News

Share this information:

APAT na indibidwal ang patay habang pito pa ang sugatan sa nangyaring pagsabog ng dinamita sa bayan ng Balud, Masbate kahapon.

Sa impormasyon na ipinarating kay Police Regional Office-5 (PRO5) Director Brig. General Jonnel Estomo, pasado ala 1 ng hapon ng Martes, (June 15, 2021) nang maganap ang pagsabog sa bahay mismo ng kapitan ng Barangay Pajo na si Lina Recto na isa sa apat na nasawi.

Natukoy pa ang tatlong biktima na sina Mac-Mac Dela Cruz; Ronelyn Banez at Aisa Sese na pawang hindi na makilala sa tindi ng mga sugat sa katawan na tinamo dahil sa pagsambulat ng dinamita.

Patuloy naman na inoobserbahan sa Masbate District Hospital ang mga sugatan na sina John Paul Villaruel, 12 taong gulang; Chris Villaruel, 7; Ivan Canones, 20; Junvin Villaruel, 24; Tessie Villaruel, 59; Leonard Recto, 42; at Ruel Henticay Chavez, 26.

Inaalam pa sa imbestigasyon ng mga awtoridad kung ano ang dahilan sa pagsabog ng dinamita sa mismong bahay ng nasawing kapitan.

Ang dinamita ay kadalasang ginagamit sa iligal na pangingisda na mahigpit na ipinagbabawal ng mga awtoridad.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: