DepEd-NCR, nagpatupad ng suspensiyon ng klase mula Enero 15 hanggang 22

Share this information:

SINUSPINDE na ng Department of Education (DepEd) National Capital Region (DepEd-NCR) ang pasok sa mga paaralan simula bukas, Enero 15 hanggang Enero 22.

Batay sa memorandum na ipinalabas ni DepEd Regional Director Wilfredo Cabral, bunsod ito ng pagdami ng mga kaso ng COVID-19.

Dahil dito, inaatasan ang mga school head na huwag munang i require ang physical reporting sa mga guro sa panahon ng suspensyon ng klase.

Ang mid-year break na ini-schedule mula Enero 31 hanggang Pebrero 5 ay gagamiting panahon ng mga estudyante para kumpletuhin ang mga backlog sa kanilang learning outputs.

Ang mga guro naman ay inaasahang dadalo sa kanilang mga karaniwang gawain tulad ng mga in-service trainings sa nabanggit na panahon.

Itinakda naman sa Pebrero 7 hanggang Pebrero 8 ang Quarter 2 examination, habang Itinakda naman sa Pebrero 7 hanggag 12 ang submission ng learning outputs ng mga estudyante sa pamamagitan ng on-line platform.

Sa panahon ng suspensyon ng klase ay hinihinayat ang mga guro at mga mag-aaral na manatili sa loob ng kanilang tahanan para maiwasan sng pagkalat ng virus.

Samantala, itinakda naman ang pagbabalik ng klase sa Enero 24 hanggang 29 sa pamamagitan ng asynchronous distance learning modalities.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Election gun ban violators now at 86 -- PNP

Fri Jan 14 , 2022
MORE individuals were added to the list of arrested election gun ban violators. Data from the Philippine National Police (PNP) as of 6 am today, January 14, 2022, revealed that 86 election gun ban violators have already been arrested. Those arrested were in Taguig City, Sorsogon, Davao de Oro, La […]
%d bloggers like this: