Lungsod ng Maynila, naglabas ng Show-Cause Order laban sa UE

Share this information:

NAG-ISYU ng Show Cause Order ang pamahalaang lungsod ng Maynila laban sa pamunuan ng  University of the East dahil sa hindi nito pagtalima sa kautusan ng pamahalaang lungsod na health break para sa mga guro at estudyante.

Sa kautusan na pinirmahan ni Manila Mayor Francisco Domagoso, itinakda ang educational break simula bukas, Enero 14 hanggang 21 ng buwang ito.

Ayon sa inilabas na pahayag ng unibersidad, hindi sakop ng mga local chief executive ang pagsususpinde ng mga klase sa tertiary level.

Pinagpapaliwanag naman ng pamahalaang lungsod ang unibersidad kung bakit hindi sila nararapat bigyan ng cease and desist order.

Kahapon lamang nang inanunsyo ni Domagoso  ang educational break sa buong Maynila kung saan walang pasok ang lahat ng antas at lebel ng eskuwalahan sa lungsod kung saan layon nito na bigyang pahinga ang mga estudyante at mga guro.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

DepEd-NCR, nagpatupad ng suspensiyon ng klase mula Enero 15 hanggang 22

Fri Jan 14 , 2022
SINUSPINDE na ng Department of Education (DepEd) National Capital Region (DepEd-NCR) ang pasok sa mga paaralan simula bukas, Enero 15 hanggang Enero 22. Batay sa memorandum na ipinalabas ni DepEd Regional Director Wilfredo Cabral, bunsod ito ng pagdami ng mga kaso ng COVID-19. Dahil dito, inaatasan ang mga school head […]
%d bloggers like this: