DepEd, handa na sa face-to-face classes sa 120 schools

Share this information:

KASADO na ang Department of Education (DepEd) sa pagbabalik ng face-to-face classes sa paunang 120 eskuwelahan sa bansa.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, gumugol na sila ng panahon upang mailatag ng maayos ang pilot face-to-face classes sa gitna ng nararanasan pa ring COVID-19 pandemic.

We have spent a lot of time studying the implementation of pilot face-to-face classes amid the COVID-19 pandemic, and we are ready for it,” pagtitiyak ni Briones.

“We initially identified 1,900 schools, then it was reduced to 600 plus schools… now we are ready to implement face-to-face classes in 100 public schools and 20 private schools. We are just waiting for the go signal from the President,” dagdag pa ng kalihim.

Sinabi ni Briones na batay sa payo ng mga medical expert, kailangang isa-prayoridad ang pagbabalik-eskuwela ng mga mas nakababatang estudyante dahil mahalaga ito sa paghubog ng kanilang socialization skills, study habits, at mabuting pag-uugali.

Batay sa huling tala ng DepEd, umaabot na sa 27.5 milyon na mga mag-aaral sa formal education ang naka-enrol kahit mayruong pandemya. Bahagyang mas mataas ang nasabing bilang kumpara sa naitala nuong school year 2020-2021 na 26.2 milyon.

Ang mga mag-aaral naman sa non-formal education ngayong taon ay umabot ng 202,000.

We can gradually shift in doing away with printed materials and further digitization of our learning materials, but health and safety remain the most important,” pahayag ni Briones.

Wala pang desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung papayagan nito ang face-to-face classes at kanyang nauna nang sinabi na hindi niya isusugal sa virus ang kalusugan ng mga bata.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.