Biyahe mula NCR sa GCQ, MGCQ areas puwede na – DOT

PUPUWEDE nang mamasyal at magbiyahe ang mga residente ng National Capital Region (NCR) patungong mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) o modified general community quarantine (MGCQ).

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, dahil nasa ilalim ng tinatawag na Alert Level 4 at wala nang nakataas na quarantine status ang Metro Manila ay makakapunta na sa mga lugar na maluwag ang community quarantine status at tumatanggap ng turista ang mga taga-NCR.

“Under Alert Level 4, puwede nang mag-travel ang taga-NCR as long as ‘yung pupuntahan nila ay MGCQ or GCQ or ‘yung mga tumatanggap ng turista,” ayon kay Puyat.

Gayunman, nilinaw ni Puyat na may ilang tourist destinations na nagpapatupad ng paghihigpit tulad ng Baguio City na tumatanggap lamang ng mga indibidwal na fully vaccinated o nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19.

“Mas mainam na i-check talaga sa LGUs kung bukas sila,” pahayag ng kalihim.

Ang Siargao, Boracay, at La Union ay bukas na sa mga bisita ngunit mayruong age restrictions. Sa NCR, puwede ng pasyalan ang Intramuros at Rizal Park pero mayruon ding age restrictions.

Nauna nang sinabi ni Puyat na ang 99-porsyento ng mga manggagawa sa hotel industry ay bakunado na habang 94% na mga empleyado ng DOT-accredited restaurants ang naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.